As far as Mikael Daez personally knows, one year lang ang reign ni Megan Young.
Kami ang isa sa mga pumik-ap ng balitang ito, kami na rin ang magku-correct. Hitsurang kuryente lang ang balita na hanggang 2015 pa ang reign ni Megan sa Miss World. Mabuti na lang, even before we wrote it, may pagdududa na rin kami kaya pinalampas namin ang ilang araw bago namin ito isulat, waiting for other websites so we can quote it.
From Adobo Chronicles, napik-ap din ito ng GMA Network website so parang nagkaroon ng legitimacy bago namin ito naisulat. Sa pagkakaalam ni Mikael, Megan’s reign ends this November when a new Miss World will be crowned in November.
Happy kami as first hand ng muli ang nai-report namin dito now that we’re back in the grind, the moment we saw Mikael prior to the presscon of his newest afternoon soap Ang Lihim ni Annasandra starts, nakausap namin ang binatang bida ng soap on our own so we asked him about this. Mikael returns to Andrea Torres’ arms in this newest pantaserye ng GMA Afternoon Prime starting this Monday right after Dading. This is Mikael and Andrea’s third team up after Sana Ay Ikaw Na Nga and With A Smile.
Going back to Mikael and his “friend”, hindi niya rin alam kung saan nanggaling ang balita na two years magre-reign si Megan pero dahil he’s not part of Miss World, he cannot speak for the corporation nga naman so umiiwas siyang sumagot directly the same way ang patuloy niyang pag-iwas na pag-usapan nang todo si Megan dahil dapat nga naman, ang partnership nila ni
Andrea ang topic dahil sila ang magkasama sa Ang Lihim Ni Annasandra kung saan balik ka-triangle nila ang nag-birthday that presscon night na si Pancho Magno.