SOBRANG na-touch pala sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid nang malaman nilang kabilang sila sa mga tatayong principal sponsors sa kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Dec. 30.
“Kasi matagal na kaming gustong kausapin ni Marian at ni Dingdong. Palagi nang nagpapahaging si Dong na, ‘O, Ate Reg, dinner tayo.’ I kinda know already that they’ll gonna ask us. Of course, we’re very touched that we were considered.
“They are very close to us, sa aming mag-asawa, kasi nakasama namin silang mag-tour twice. And we really saw him grow up. Me and Ogie, we saw him grow up. Nakita ko nang lumaki talaga ‘yan. So, talagang very close kaming mag-asawa, kami ni Ogie…very close kami kay Dingdong,” paliwanag pa ng Songbird nang makachikahan ng media sa presscon ng bago niyang talent search sa GMA, ang Bet Ng Bayan na magsisimula na sa darating na Linggo, Oct. 5. Makakasama niya rito si Alden Richards bilang co-host.
Bukod kina Regine at Ogie, magiging bahagi rin ng entourage ang anak nilang si Nate, “Kinuha rin siya, meron din siyang role. Kasi tuwang-tuwa sila kay Nate, baka Bible bearer.”
Samantala, speaking of Bet Ng Bayan, hindi lang biritan showdown ang mangyayari sa bagong talent search na ito ng GMA sa direksiyon ni Mark Reyes na mapapanood tuwing Linggo, 9:40 p.m.. Meron din itong live updates from Monday to Friday, 10:05 p.m. hosted by Alden.
Pati ang iba pang talento ng mga Pinoy ay ibabandera sa Bet Ng Bayan na magmumula pa sa iba’t ibang panig ng bansa. Ito nga ang kaibahan ng programa sa ibang reality talent shows dahil dahil mismong sina Regine ang dumayo at umikot sa Pilipinas para sa nationwide audition, selection at regional finals.
Medyo naging emosyonal naman ang Songbird nang mapag-usapan ang naging pagsisimula niya sa showbiz, lalo na sa kanyang singing career kung saan ang naging greatest mentor nga niya ay ang kanyang yumaong ama na si Mang Gerry. Imagine, six years old pa lang daw siya noong sumabak siya sa mga amateur singing contest – at ibang-iba na raw ang panahon ngayon pagdating sa mga singing contest.
“Ngayon kasi, it’s easier now for performers to get known because of the network. May YouTube pa. So, if I were just starting, I would join also this kind of contest. It’s the best way to be discovered, I think. It’s the best way lalo na ngayon,” ani Regine.
Hinding-hindi raw talaga malilimutan ni Regine ang mga pinagdaanan niyang hirap noon para makarating ang kinalalagyan niya ngayon, “You know, I’ll always remember that. Also kasi, you know, when my father died, somehow bumalik ako du’n (simula ng career). Kasi that was our time together, you know, that we were struggling.
“We had so much fun – him and me. Pumupunta kami, bumibiyahe kami, siguro nakarating na kami ng kung-anong bundok dalawa. But we had so much fun. Arayat… ewan ko ba ang layo-layo, yun lang ang natatandaan ko. Yun bang pawala nang pawala yung daan,” sey pa ng misis ni Ogie.
Sa Bet Ng Bayan, talagang pinupuntahan ni Regine ang regional finals habang si Alden naman ay sumasama sa mga selection at audition sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
In fairness, marami na raw nakita si Regine na palaban ang talent mula sa mga finalist, chika nga ng Songbird, “You know, it’s a good thing I’m not a judge. Kasi I really wouldn’t… I wouldn’t know how to choose. Kasi it’s very hard, kasi parang naki-contest din ako, e, nakiki-relate din ako du’n sa mga pinagdadaanan ng mga bata. It’s very hard.”
May tatlong mananalo sa Bet Ng Bayan sa tatlong categories – Bet na Singer o Singers, Bet na Dancer o Dancers, at ang Bet na Kakaibang Talento.