Carla Abellana gave a surprise birthday visit kay Tom Rodriguez.
Last Wednesday, Oct. 1st, ay nagkaroon si Tom ng special birthday celebration ang Kapuso prime leading man at ngayo’y host ng game show na Don’t Lose The Money. Bukod sa pagbisita ng kaniyang number one leading lady na si Carla, nasorpresa at napaluha rin ang TV host sa pagdating ng kanyang pamilya mula sa Japan at Amerika.
Dagdag excitement rin sa programa ang naging laro ng mga kabarkada ni Tom na sina John Lapus, Rafael Rosell, Pauleen Luna, Pancho Magno, Victor Basa at Bettina Carlos.
Samantala, today, siguradong hahagalpak ang mga Kapuso viewers dahil maglalaban ang mga bida ng number one at longest running gag show na Bubble Gang sa Don’t Lose The Money. Para sa Team Bu-Blue Gang, magsasama-sama sina Gwen Zamora, Denice Barbacena at Paolo Contis. Sina Betong, Arny Ross at Jackie Rice naman para sa Red Bubble Rangers.
Being telecast every weekday right after Basta Every Day Happy, last Tuesday according to AGB Nielsen’s Comparative Program Ratings Performance Summary sa Mega Manila, Tom’s hosted game show garnered 10 per cent as against its competition na The Singing Bee na 8.5 per cent na lang.
Don’t Lose The Money is becoming a daily morning habit na rin and we’re happy.