Bashers kay Xian: Walang malambot na Captain Barbell!

XIAN LIM

XIAN LIM

Sinasabing si Xian Lim ang strongest contender para gumanap na Captain Barbell ng Dos.

Actually, isa sa pinagpipilian si Xian para gampanan ang iconic character. Ito raw ang isa sa mga unang palabas sa 2015 ng Kapamilya network.

Kaya lang, this early ay maraming bashers ang nag-react. Hindi nila feel ang ka-loveteam ni Kim Chiu. They felt na masyado itong malamya to play the iconic role.

“Walang malamyang captain barbell no,” one guy said.

“LALAMBOT-LAMBOT na naman? susko nman ang ABS-CBN puro malambot na lang ba ang ipantatapat nyo sa GMA. hahahahahaha kaloka!” mataray comment ng isa pa.

Meron namang isang fan ang nag-comment na, “Kawawa si Aljur Abrenica nag expect xa gaganap nyan, mga sulsol kc ng mga beki ng abscbn ayan talo sa kaso si aljur vs. GMA.”

Kung true nga na si Xian ang strongest contender bilang Captain Barbell ay wala ng pag-asa si Aljur na gumanap sa naturang role na napabalitang dahilan para mag-file siya ng release complaint against GMA 7.

Read more...