Marian tuloy-tuloy ang pagbebenta ng damit para sa biktima ni Yolanda

MARIAN RIVERA

MARIAN RIVERA

BIGGEST Pampanga turnout daw ang first Marian Rivera visit doon.

Huli man daw at magaling, isusulat pa rin namin ang naging excitement ng mga loyal Kapampangan fans ng GMA Primetime Queen na si Marian dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay bumisita ang kanilang idolo sa Pampanga upang isagawa ang isang Kapuso Fans’ Day sa SM City Clark last Sunday.

At ang comment ni Rams David sa kaniyang FB, he swear biggest turnout of fans ang dumalo sa SM City Clark for any GMA event and he should know dahil he used to head this stars visitation sa probinsiya.

Started at 6 p.m. hinandungan ni Marian ang mga manonood ng isang gabing punumpuno ng kasiyahan sa pamamagitan ng exciting games pati na rin ng thrilling performances.

Nakasama niya bilang event host ang komedyanteng si Boobay. Ang Pampanga ay ang 11th leg ng Kapuso Fans’ Day ni Marian ngayong taon matapos ang matagumpay niyang shows iba’t ibang panig ng bansa.

Bilang Kapuso Adopt-a-Bangka Campaign Ambassadress naman ay nagbigay din si Marian sa kanyang fans ng pagkakataong magmay-ari ng ilan sa kanyang mga paboritong damit sa pamamagitan ng isang auction.

The last time, matagumpay ang exhibit sa Cebu noong Agosto kung saan sold out ang 30 most memorable dresses ng aktres so she’s doing it again bilang bahagi pa rin ng Kapuso Adopt-a-Bangka Project.

Ilan sa mga ito ay ang kanyang mga sinuot sa iba’t ibang TV guestings at regional promo tours.

Read more...