Mga butong nakuha sa bangkay ng nanay ni Raymart ‘misteryoso’

RAYMART SANTIAGO

RAYMART SANTIAGO

MARARAMDAMAN sa Instagram post ni Raymart Santiago ang sobrang pagka-miss niya sa yumaong ina. Kitang-kita sa itsura ng Kapuso actor ang sobrang pagmamahal at respeto kay Mrs. Cielito Legaspi-Santiago.

May ibinahaging kuwento si Raymart sa kanyang followers sa social media tungkol sa bangkay ng ina na agad ngang ipina-cremate matapos itong malagutan ng hininga habang naka-confine sa ospital dahil sa pneumonia.

Ipinost ng ex-husband ni Claudine Barretto sa kanyang Instagram account ang isang trivia mula sa answers.com ang tungkol sa mga berdeng piraso ng buto na nakuha mula sa labi ni Mrs. Santiago.

Sey ni Raymart, nalaman ng kanilang pamilya namabubuting tao lang daw ang nakukuhanan ng lime green na kulay ng buto, bukod dito, nagdadala rin daw ito ng suwerte sa negosyo. Mensahe pa ng aktor, “Hmmm..interesting… iba ka talaga mama! i love you mama, misssing you.”

Read more...