'Hindi pa ipinanganganak ang wawasak kay Daniel!' | Bandera

‘Hindi pa ipinanganganak ang wawasak kay Daniel!’

Cristy Fermin |September 30,2014
facebook
share this

‘Hindi pa ipinanganganak ang wawasak kay Daniel!’

Cristy Fermin - September 30, 2014 - 03:00 AM

daniel padilla
Hindi pa ipinangananak ang kontrobersiyang makapagpapabagasak kay Daniel Padilla.  Kung napapangiting-aso ang traydor niyang kaibigan na naglabas ng kanyang audio clip ay nagkakamali ito dahil naging usap-usapan lang ang pinakasikat na heartthrob pero walang nabawas sa kanyang popularidad.

Isa sa mga barometro ng pangunguna pa rin ni Daniel sa kanyang mga kasabayang youngstars ay ang katatapos lang na Himig Handog. Pangalan pa lang niya ang naririnig ng audience ay grabe na ang mga sigawan at palakpakan, nang iluwa ng entablado ang bagets ay wala na, giyera-patani na sa Araneta Coliseum.

Kapag panahon ng isang personalidad ay walang puwedeng magpabagsak sa kanya, dededmahin lang ‘yun ng publiko, kasi nga ay kakampi niya ang kapalaran.

Pero kapag panahon na ng pagiging malagihay ng career ng isang artista, kahit ano lang ay malaking isyu na, pauwi na ‘yun sa kanyang pamamaalam dahil wala nang nakikitang maganda sa kanya ang publiko.

Si Daniel Padilla pa rin ang numero unong heartthrob ngayon, siya pa rin ang pinakamalakas, kaya tabi-tabi na muna diyan ang mga hunyangong nagpapakilalang kaibigan niya, walang negatibong epekto kay DJ ang mga ginagawa nilang paninira.

Hindi talaga kayang kalabanin ninuman ang tamang panahon, ang kasikatan sa anumang dahilan, walang magpapabagsak sa artista kundi ang kanyang sariling mga kakulangan at kalabisan lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending