Sosyal ang magiging kapalit ni Lovi Poe sa “Asawang Chronicles”. Matatandaan kamakailan lang nang mag-post sa Facebook si Direk Erik Matti tungkol kay Lovi and her non-continuance sa role niya sa part two ng movie.
Ngayon, moving forward na ang production ng “Kubot: The Aswang Chronicles II” at may kapalit na si Lovi. Bongga naman ang baguhan na ipinalit kay Lovi dahil Binibining Pilipinas contestant at graduate ng Ateneo si Hanna Ledesma.
Graduate si Hanna ng Bachelor of Science in Management Information Systems specializing in Business Intelligence. After that, nagtrabaho bilang technical consultant sa isang International IT Company si Hannah.
Nag-resign lang siya nang sumali sa Binibining Pilipinas 2014. Businessman ang father ni Hanna kung kaya’t feeling niya, businesswoman naman ang magiging career niya.
Ayon sa kanya, boyish siya nu’ng kanyang kabataan dahil lumaki siya na may apat na kuya. Kaya ang toys niya ay baril-barilan, Tamias, basketball at wrestling. Hindi niya naisip ma makakapasok siya sa showbiz.
Gaya ng karamihan, nagsimula siya sa mga magazine features at commercials. Nu’ng 2012, nakilala niya si Direk Jeffrey Jeturian na tumulong para sa kanyang training sa beauty contest.
Si Direk Jeffrey rin ang nagpakilala kay Hanna kay Atty. Joji Alonso, ang tumatayong manager ng dalaga ngayon. Excited siya na makatrabaho si Direk Erik Matti sa “Aswang Chronicles” kung saan gaganap siya bilang Sonia.
Take note, Dingdong Dantes agad ang partner niya sa first big movie niya. As to Lovi, may other MMFF entry naman ito so obviously no worries.