May-ari ng Bench dapat makulong; Coco lalong nadiin | Bandera

May-ari ng Bench dapat makulong; Coco lalong nadiin

Alex Brosas - September 27, 2014 - 03:00 AM

coco martin
NADAMAY si Coco Martin sa galit ng tao sa social media dahil sa isang eksena niya sa The Naked Truth event ng Bench.
Para kasing ginawang aso ni Coco ang isang modelo nang hilahin niya ito habang nakatali.

It pictured the woman as a slave. Nag-apologize na ang Bench for this inhumane depiction of women, inamin na nila ang kanilang pagkakamali pero ang pinutukan ay si Coco.

“I was disappointed to coco martin too. Dpat Hindi rin sya pumayag na ganito klase ng pagrampa ang gagawin nya sa harap ng marami Tao. Ndi porket artista o modelo k ng isang kumpanya ay gagawin mo lahat ng ipaguutos sau.

Pwede nmn sya nde pumayag s ganito o magbigay sya ng ibang idea hndi Ganyan npakapangit tingnan lalo na isang artista n gaya na milyon mga kababaihan ang umiidolo s knya.

“Hindi lang dapat pera pera. alam ko ikakatwiran ng iba he was just doing his job as an actor or model. pero Dpat din na pahalagahan ang magandang image nya. sna iniisip dn nya mabuti bago sya pumayag na irampa ang isang babae na parang aso at sna gnun din sa model na babae..walang maabuso na kababaihan kung walang magpapaabuso,” one woman wailed.

Meron namang naglitanya ng pagkahaba-haba and said, “Ang ganap na ito ay hindi katanggap tanggap. Kung sino man ang nakaisip nito ay kailangan mapaliwanagan sa usapin ng karapatan pantao, lalo ang karapatan ng kababaihan.

Hindi ginagamit ang pangalan ng sining sa pagpapakita ng pang aabuso at pang aalipin, ang kalayaan sa pagsasalarawan sa pamamagitan ng talino ay ginagamit sa pangmumulat tungo sa pagkakapantay pantay ng tao, ano man ang kanilang kasarian.

“Isang napakalaking isyu ito ng diskriminasyon sa panahon natin ngayon na ang ibang mga bansa ay nakikipaglaban para sa karapatan ng mga hayop na mabigyan ng kalayaan sa tanikala habang tayo namang mga Pilipino ay literal na tinali, inalipin at niyurakan ang isang Pilipina sa harap ng pampublikong lugar.

Bayan ko, san po ba natin gusto talaga mapunta … Mahiya naman po tayo sa mga nanay natin.babae ang Ina natin,babae ang nagluwal sa atin sa mundong ito,” sabi nito.

“Di tiyak na malamang kung hindi bakla, tomboy ang nagdirek ne’to! Hindi lahat ng arte ay katanggap tanggap sa mata ng maraming tao… nakakatakot na ang mga batang nakapanuod nito ay gawin sa kapwa bata at baka ipahamak pa! Lord gabayan niyo po ang aking bansang panay binabagyo! Ameeen!” say naman ng isa pa.

‘Yung isa naman, ang may-ari ng Bench ang binalingan and said, “This homosexual owner of bench has been into sex oriented fashion show since way back to satisfy his lusts for sexy men scantily clad!!! There should be a gov’t office regulating such sex show on the pretext of fashion show!!!

“If the police is raiding bars/nitespots showing flesh in their shows, why can’t the police also raid and arrest those involved in Bench’s sexy shows? Shame on bench, its owners and the organizers of the show! kawawa nmn yong girl – mukhang very uncomfortable sa pinaggagawa nya,” dagdag pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ano kaya ang mase-say rito ni Coco at ni Bench Chan? Any comment?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending