Sulat mula kay Erika ng Sto. Nuno, Apas, Cebu City
Dear Sir Greenfield,
Sa next year po ay balak na naming magpakasal ng boyfriend ko, nasa hustong edad na po kasi kami, 25 years old ako at siya naman ay 28 years old na. Seaman po siya kaya nagdadalawang isip pa din po ako sa ngayon, iniisip ko baka may iba siyang girlfriend sa barko kaya naisipan kong kumunsulta sa inyo. Gusto ko lang pong malaman ay kung compatible po ba kami ng boyfriend ko at kami na po ba ang magkakatuluyan at kung sakaling matuloy ang kasal naming next year magiging successful naman kaya ang itatayo naming pamilya? September 26, 1989 ang birthday ko at February 4, 1986 naman ang boyfriend ko.
Umaasa,
Erika ng Cebu City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang naman ang malinaw na Marriage Line (Illustration 1.arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na may pangako ng isang maligaya at pang habang buhay na pag-aasawa, na ipapalasap ng unang lala-king makakarelasyon mo.
Cartomancy:
King of Clubs, Six of Hearts at Queen of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung ang lalaking boyfriend mo sa ngayon ay may kayumanggi kulay ng balat, habang ikaw din ay ganon o hindi ka masyadong kaputian, sigurado na ang magaganap sa susunod na taong 2015, matutuloy ang inyong kasal at kayo na nga ang nakatakda magsasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.
Itutuloy…..
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.