Para sa may kaarawan ngayon: Sabado ngayon! Pula ang pinaka-mapalad na kulay. Sa kulay na pula kusang darami ang pera. Sa kulay na pula sasarap at sasaya din ang romansa. Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 42, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jhana-Om-Nama.” Bukod sa red ang violet ay buenas. Aries – (Marso 21-April 19) – Alalahanin mong malungkot ang Pasko kapag kapos ang pera! Ngayon palang unti-unti ka nang mag-ipon. Sa pag-ibig, iplano nyo na ng iyong kasuyo ang isang simple, pero masayang noche-buena. Mapalad ang 6, 15, 25, 34, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mimu-Soph-Om.” Lilac at purple ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) – Wag magtiwala sa isang taong nagbabait-baitan, tinitiktikan ka lang nyan, upang utangan! Bago maglabas ng salapi, isipin muna ng 10 beses. Sa pag-ibig, mas masarap karelasyon ang mga payat sa kanila ka liligaya. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Araanam-Om-Kabalam.” Blue at green ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) – Sa pinansiyal, alahas na silver ang hihigop ng suwerte at magandang kapalaran. Sa pag-ibig lalo pang iinit ang relasyon kung ang silver na singsing ang laging susuutin. Mapalad ang 5, 18, 23, 32, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Om.” Bukod sa silve ang gray ay buenas.
Cancer – (June 22- July 22) – Iwasan ang haling na relasyon upang hindi mapahamak. Manatiling tapat sa minamahal. Sa pag-ibig, sa pagiging tapat sa kasuyo mas magiging maligaya ang Pasko. Mapalad ang 7, 19, 28, 34, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Chandaya-Om-Govinda.” Green at pink ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) – Dahil sa pagiging malapit sa mga nakatataas, lihim kang kaiinggitan. Wag ka kasing ma-epal. Ipagpatuloy ang pagiging low profile upang mas malaking tagumpay ang makakamit. Sa pag-ibig, dagdagan ang pakikipag-ulayaw sa isang Aries. Mapalad ang 4, 13, 21, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mandala-Ketu-Om.” Gold at beige ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) – Wag malungkot kahit hindi natapos ang ginagawa, may bukas pa naman! Yan ang katuwiran ng mga tamad. Kung mananatiling ganyan ang lagay ng isipan, malabo kang yumaman. Sa halip, upang umunlad, ituring mong wala ng bukas. Mapalad ang 8, 14, 23, 34, 37 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Malka-Om-Halka.” Blue at red ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) – Itigil na ang madalas na pagpe-facebook. Walang maitutulong na maganda sa iyo ang bagay na yan. Panahon na upang mag-isip ng pagkaka-kitaan. Sa pag-ibig matutuwa ang kasuyo kapag sinabi mo sa kanyang “hindi na ko addict sa FB.” Mapalad ang 3, 12, 24, 33, 42 at 47, Mahiwaga mong mantra: “Om-Nakiel-Um.” Pink at purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) – Lingid sayong kaalaman maraming humahanga sayo! Sa pinansiyal, sa mga kaibigan manggagaling ang malaking bulto ng salapi ng hindi inaasahan. Sa pag-ibig, isang matabang naka-uniporme ang may lihim na pagnanasa sayo. Mapalad ang 4, 10, 19, 28, 36, at 45, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhar-Masya-Om.” Yellow at orange ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) – Hindi masosolusyunan ang problema sa pamamagitan ng sisihan! Akuin ang pagkakamali ng iba, ganyan talaga ang leader, matapang. Sa pag-ibig, hayaan mong mag-reklamo ang kasuyo, wala naman siyang magagawa sa gusto mo. Mapalad ang 5, 17, 23, 35, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum”. Red at gray ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) – Maraming salapi ang darating, pagkakataon mo ng mag-saving para sa future. Sa pag-ibig, walang mabuting idudulot ang pabago-bago ng damdamin – utak at isip ang paganahin. Mapalad ang 1, 5, 14, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agara-Aum-Sandhapa-Om.” Silver at lilac ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) – Hindi totoong masama kang magalit, ang totoo masama kang magmahal! Iwasan ang hibang na relasyon upang hindi ka na lumuha at magpaluwal. Sa pinansyal, habang hindi pa pumapasok ang buwan ng Oktubre, nganga pa rin sa larangan ng pag-ibig. . Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 33 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisnah.” Red at black ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) – May kakaharapin na namang suliraning may kaugnayan sa salapi. Dating gawi na naman ang dapat gawin – maghahanap ng mauutangan. Sa pag-ibig, panahon na para hiraman ng salapi ang kasuyong Libra. Mapalad ang 7, 16, 22, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Puranas-Manu-Om.” Yellow at white ang buenas.