Vice gagastos ng P200-M sa ipapatayong mansion sa Q.C.
FINALLY, nakahanap na ng lote na tatayuan ng malaking bahay niya with swimming pool ang Unkabogable Star na si Vice Ganda. Nabayaran na rin ni Vice ang loteng pagtatayuan ng kanyang mansion na may sukat na 1,300 sq.m. Nasa Quezon City area lang ang loteng nabili ni Vice pero nakiusap siya na huwag naming isulat ang name ng village.
“Hinanap talaga namin ‘yan ni Kris (Aquino). Ang dami naming pinuntahan na lugar. Nabayaran ko na tapos nagpa-bid kami sa mga architect,” lahad ni Vice nu’ng makausap namin siya sa dressing room niya sa It’s Showtime.
Modern-industrial ang design na gusto ni Vice para sa ipatatayo niyang bahay. Nakapag-third presentation na raw ang mga architect sa kanya ng kani-kanilang design.
Maliit lang daw ang budget niya for this. Pero sabi namin kay Vice, ‘di kaya umabot sa P100 million ang cost ng ipapatayo niyang bahay?
“Sana hindi naman umabot ng P100 M. Ay, wala namang P100 M, sobra naman!” pa-humble pang sabi sa amin ni Vice.
Tantya namin, mahigit kumulang P65 million ang halaga ng lote na binili ni Vice. Plus, ang cost ng bahay malamang ay ‘di bababa sa P100 million.
So, all in all, more or less ay nasa P200 M ang kabuuang halaga ng bagong property ni Vice kapag naitayo na ang bahay.
Right after ng aming interbyu kay Vice ay pumunta siya sa isinasagawang go-see that time ni Direk Wenn Deramas para sa iba pang cast ng “Praybeyt Benjamin 2.” Gusto ni Direk Wenn na kasama niya si Vice sa pagpili ng mga makaka-join sa movie.
Bukod kay Derek Ramsay na leading man dati ni Vice sa part one, wala na rin sa part two ang gumanap na tatay niya sa pelikula na si Jimmy Santos.
Tumanggi si Jimmy na makasama sa part two dahil makakatapat daw nito ang pelikula ni Vic Sotto sa Metro Manila filmfest.
Magkasama sa Eat Bulaga at iba pang TV shows sa GMA 7 sina Vic at Jimmy.
Mas pinili ni Jimmy na bigyang-halaga ang friendship nila ni Vic. Madali namang nakahanap ng kapalit si Direk Wenn kay Jimmy. At ‘yun ay walang iba kundi si Al Tantay.
Mahigpit ang labanan this year sa MMFF pero sabi ni Vice ie-enjoy lang daw niya ang paggawa ng “Praybeyt Benjamin”, “Nakaka-stress, e, kapag inano mo.
E, kahit anong stress mo naman s a buhay mo, naka-schedule na kung ano ang mangyayari d’yan. Bago pa naming gawin ang pelikula, nakatadhana na, naka-schedule na kung ano ang mangyayari,” diin ni Vice Ganda.
Sa Biyernes aalis ulit ng Pilipinas si Vice para sa show niya sa Singapore. Kasama niya ang anak-anakang si Dominic Roque na guest niya sa show na magaganap sa Sabado. And then, uuwi raw siya ng Pinas sa Lunes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.