Perpetual aangat sa ika-4 na puwesto

Mga Laro Ngayon
(The Arena)
9 a.m. Perpetual Helpvs EAC
3 p.m. San Sebastian vs Lyceum
Team Standings: San Beda (13-2); Arellano (12-4); St. Benilde  (10-5); Jose Rizal (9-6); Perpetual Help (9-6); Letran (6-9); Lyceum (6-9); Mapua (4-11); San Sebastian (3-11); EAC (4-12)

OKUPADO na ang University of Perpetual Help Altas ang mahalagang ikaapat na puwesto matapos ang forfeiture ng laro ng Emilio Aguinaldo College Generals sa 90th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Sa ganap na alas-9 ng umaga nakatakda ang bakbakan pero hindi na ito mangyayari dahil apat na manlalaro na lamang ang puwedeng maglaro para sa Generals.

Suspindido ang siyam nilang manlalaro dahil sa rambulan sa laro laban sa Mapua Cardinals noong Lunes habang wala na sa koponan sina Noube Happi at Igee King.

Dahil dito, aakyat na ang Altas sa 10-6 baraha at lamang sila ng isang laro sa host Jose Rizal University Heavy Bombers na nasa ikalimang puwesto sa 9-6 baraha.

Opisyal na ring namaalam ang kampanya ng Letran Knights at Lyceum Pirates dahil hindi na sila aabot sa 10 panalo kahit walisin ang natitirang tatlong laro sa 18-game elimination.

Read more...