Ospital, PhilHealth inireklamo

AKO si Jonas M. Briones Jr. Napakatagal ng aksyon ng Philhealth, morethan two months na ang complain ko pero wala pang concrete na maasahang resulta. Regarding sa kinu-complain ko ay ang pagkuha ng BPN samantalang nakalabas na ako ng ospital.

Bayad na ang hospital bago nai-file for refund pero kinukurap ng QMMC.

Hindi ibinalik ng hospital lahat.

Madami kami pi-nabiling gamot pero naka-Philhealth. Hindi lang umangal yung iba dahil gusto nang makauwi.

Parang gusto pa palusutin ng PhilHealth ang kabalbalan ng hospital. Tulungan nyo ako. Paki contact po ako sa numerong 09282871187.May anomalya po sa hospital QMMC. Parang gusto i-coverup ng PhilHealth.
G. Soriano

(REPLY): Pagbati po mula sa Team PhilHealth!

Ito po ay bilang update sa reklamo ni G. Jonas Briones. Ayon po sa PhilHealth NCR Central Branch, Benefits Administration Section (BAS) sila po ay mag-kakaroon ng meeting ngayong Biyernes, Setyembre 26, 2014 upang mabigyang tugon ang reklamo ni G. Briones.

Ang mga kasama po sa meeting ay representative mula sa QMMC, DSWD at PhilHealth.

Naipaalam na po rin ito kay Mr. Briones ng BAS ngunit hindi pa po nagbibigay kompirmasyon si G. Briones kung siya ay makadadalo sa meeting. Muli pong makikiugnayan ang BAS kay G. Briones hinggil dito.

Maraming salamat po.
CORPORATE
ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga.
Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.

Read more...