ENGAGED na rin ang TV host-actor na si John Prats sa kanyang girlfriend na si Isabel Oli. Naganap ang “dramatic” proposal nitong Miyerkules ng gabi sa Eastwood Citywalk sa Quezon City.
In fairness, bongga rin ang proposal ni Pratty, ha! As in talagang gumawa pa ito ng flash mob para lang isorpresa ang girlfriend na hindi rin napigilan ang mapaluha nang yayain siyang pakasal ni John.
Ayon sa mga nakasaksi, magkasamang nagsa-shopping sina Isabel at Camille Prats, younger sister ni John nang makita nila ang kumpol ng mga tao sa gitna ng Eastwood Citywalk kaya nakiusyoso na rin sila. Sa gitna ay may mga taong nagsasayaw, at na-shock na lang si Isabel nang biglang lumabas si Pratty at nakisayaw rin.
Matapos ang flash mob, ipinalabas sa higanteng video wall ang message ni John para kay Isabel with matching fireworks. After this, lumuhod na si John sa harapan ni Isabel at inilabas ang engagement ring sabay propose. Dito na naiyak ang Kapuso actress at saka sumagot ng “Yes!”
Aside from their respective families, present din sa marriage proposal nina John at Isabel ang mga kaibigan nilang sina Sam Milby, Angelica Panganiban at Chynna Ortaleza.