St. Benilde wagi sa JRU

PINATAOB ng College of St. Benilde ang host Jose Rizal University, 71-69, para solohin ang ikatlong puwesto sa 90th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Hindi nakaapekto ang paghahabol na ginawa ng Blazers sa unang tatlong yugto at sina Paolo Taha, Luis Sinco at Mark Romero ang mga kumamada para iangat ang karta sa 10-5 marka.

May 16 puntos at 10 rebounds si Taha at ang kanyang split ang nagtulak sa bentahe ng Blazers sa 71-69.

Nakuha ni Romero ang offensive rebound pero naglakad siya para ibigay sa Heavy Bombers ang bola sa huling 3.8 segundo ng laro.

Hindi naman naitabla ng JRU ang laro dahil kinapos ang atake ni Michael Mabulac.

Ito ang ikalawang masaklap na buslo ng Heavy Bombers dahil una rito ay ang kinapos na libreng attempt ni Bernabe Teodoro sa puntong lamang ng isa ang Blazers.

Si Sinco ay may 12 puntos, malayo sa limang puntos na average sa season.

Read more...