Mas matinding dasal ang kailangan ngayon ng komedyanang si Tia Pusit. Balitang hindi bumuti ang kundisyon nito matapos sumailalim sa double heart bypass surgery kamakailan.
Humihingi ngayon ng mas taimtim na panalangin ang pamilya ni Tia Pusit o Myrna Villanueva sa totoong buhay, matapos ang isinagawang operasyon sa 64-year-old comedienne sa Philippine Heart Center.
Sa message ng anak ni Tia Pusit na si Christian Uybengkee na ipinadala sa entertainment press, kinumpirma nito na parang mas lalo pang lumala ang kalagayan ng kanyang ina.
Sabi ni Christian, “Dear friends of tia pusit. 2 weeks ago after her operation. Her situation has worsen. She has 2 episodes of stroke, blood clots with little brain activity.
“Worst her kidney too is failing rapidly. Please pray for her. Shes at the phil heart center, east ave medical icu 4th floor room 428 if in case you want to visit her. Thank you,” dagdag nito.
Bukod dito, nabalita ring naka-life support na lang ngayon si Tia Pusit habang inoobserbahan pa ng mga doktor.