Sharon kinakarir ang pagpapa-sexy para kay Gabby

sharon cuneta
TAHIMIK pa rin ang Megastar na si Sharon Cuneta kaya bitin pa rin ang publiko kung saan patungo ang kanyang career. Pati ang kanyang social media accounts ay ‘di updated.

Mukhang pangangatawanan na ni Mega na “manahimik” muna sa kanyang pinagkakabisihan ngayon, kung anuman ‘yun.
Ang huling balita namin kay Mega, interesado siyang gumawa ng pelikula at gusto niya itong ipadirek sa box-office director na si Wenn Deramas.

While a little birdie told us na kinakarir na ni Mega ang pagpapapayat ngayon. Kung true ‘yan, seryoso talaga si Sharon na magpa-sexy para sa kanyang career.

Hindi rin naman siguro papayag si Direk Wenn na gumawa ng movie si Mega ng hindi pa payat. At ini-insist talaga ni Direk Wenn na si Gabby Concepcion ang maging leading man ni Sharon sa movie na gagawin nila.

Hinihintay na rin ng fans ni Sharon ang kanyang pagbabalik sa telebisyon. Ayon sa TV5, inaayos na daw ng mga abugado ng network nila ang tungkol sa kontrata ni Sharon.

Meaning, kung ano ang gagawin nila sa dalawang taon pa na naiwan ni Sharon sa kanila bilang exclusive artist. Technically, hindi pa talaga tapos ang kontrata ni Mega sa TV5.

Kaya marami ang nagsasabi na binili o binayaran ni Mega ang dalawang taon pa na natitira niya sa Kapatid network. As of this writing, wala pa raw nagaganap na “buy-out” sa contract ni Mega from TV5.

Baka ang mangyari raw niyan, kung may kukuha na ibang TV station kay Mega malamang ‘yun ang “hahabulin” o makikipag-negotiate sa TV5 for a possible buy-out ng contract ni Sharon sa Kapatid network.

Unless, may iba pang clause na nakasaad sa contract ni Megastar na free of obligation na siya whenever she wants to leave the network. Pero hangga’t wala pang confirmation from both parties, wait lang tayo.

Read more...