Kaya hindi raw totoo na matagal na silang magkarelasyon ni Enchong Dee.
Kahapon sa birthday presscon na ibinigay sa kanya ng Star Magic, sinabi ni Julia na hindi naman daw siya nagmamadaling magkaroon ng boyfriend, she’s turning 17 pa lang naman daw on March 19.
Hindi rin daw totoo ang tsismis na nagkakamabutihan na sila ng leading man niya sa seryeng Walang Hanggan na si Coco Martin.
“Hindi naman po sa pinagbabawalan ako na magpaligaw o magka-boyfriend, it’s also my choice.
Kasi feeling ko ang bata ko pa para magkaroon ng serious relationship.
Pareho nga kami ni Coco, e, sabi namin, work muna ang priority namin, kasi sayang ‘yung mga opportunities na dumarating,” esplika ni Julia na star na star na ang dating.
And for the first time, inamin nga ni Julia na parehong pipi’t bingi ang kanyang mga magulang, pero hindi raw ito naging hadlang para maapektuhan ang kanilang pamumuhay.
Magkahiwalay na rin ang kanyang parents at nasa pangangalaga siya ngayon ng kanyang nanay at lola.
German ang tatay ni Julia pero wala na raw silang communication ngayon dahil hindi na nila alam kung saan ito nakatira.
Proud na proud nga raw ang kanyang nanay dahil natupad na rin niya ang kanyang pangarap na maging artista.
Bukod sa Walang Hanggan na number one teleserye ngayon sa telebisyon, tinatapos na rin ni Julia ngayon ang second movie niyang ‘The Reunion” kasama sina Enrique Gil, Enchong Dee, Jessy Mendiola at Xian Lim. Kasama rin si Julia sa Star Magic 20th Anniversary US Tour sa March 30.
Gusto rin ni Julia na makatambal si John Lloyd Cruz sa isang project dahil super crush niya ang aktor.