Epi umamin sa tunay na kundisyon ni Pidol

Another “Corazon” star naman ang masipag na nagpo-promote para sa bagong release ng Star Cinema produced by Reality Entertainment and Skylight Films directed by Richard Somes, ang tinutukoy namin ay si Epi Quizon.

Highly recommended ni Epi ang “Corazon” dahil siya raw mismo ay naka-experience ng katatakutan sa buhay niya.

Hindi naman nakaligtas si Epi nu’ng usisain siya regarding the condition of his dad, ang Comedy King na si Dolphy.

Diretsahang inamin ni Epi na hindi na talaga maganda ang kondisyun ng kanyang Daddy.

Labas-masok daw ang Comedy King sa ospital dahil na rin sa nakukuha niyang virus.

At 83, mahina na nga naman ang panlaban ni Dolphy sa mga nakakalat na viruses sa paligid.

But so far, okey naman daw ang daddy niya.  Napakalakas pa rin daw ang sense of humor.

Ganitung-ganito rin ang sinabi ni Vandolph sa amin when we had a one-on-one interview with him sa presscon ng bago niyang show sa ABS-CBN, ang Wako Wako.

Abangan ang ilan pang rebelasyon ni Vandolph tungkol sa kalagayan ng daddy nila at reaksyon niya sa kasal issue nina Dolphy at Zsa ZSa Padilla sa one-on-one interview naming sa kanya na lalabas dito sa BANDERA.

By: JUlie B. Gaspar

Read more...