MAHIRAP talaga kung minsan pag you’re surrounded by many friends dahil hindi mo na alam kung sino ang loyal sa iyo at kung sino ang mga traydor.
Kasi nga, minsan sa dami nila, mahirap mag-point ng finger kung sino sa kanila ang naninira sa iyo. Ilang beses na bang naging biktima ang love nating matinee idol na si Daniel Padilla ng ganitong masaklap na pangyayari?
Remember nu’ng una ay merong inilabas na picture ni Daniel ang co-band member nila na meron siyang hawak na yosi at alak? Kuha iyon nu’ng kabataan nila at normal iyon sa bawat teenager na dumadaan sa mga gimik days.
Dios mio! That’s nothing compared to what we’ve gone through nu’ng mga bata pa tayo, di ba? Kuha iyon nu’ng hindi pa sikat si Daniel – as in super-young pa sila.
Kaya hayun, nabuwag ang banda nina Daniel dahil na rin sa kapalpakan ng isang salbaheng member na nanira sa kaniya.
Tama lang na buwagin na lang iyon dahil parang lumalaki na rin ang ulo ng co-members niya – parang nakikipagkompetensiya na kasi siya sa kasikatan ni Daniel.
Dala ng inggit kaya siniraan niya si Daniel. Pero hindi naman sila nagwagi. Ngayon naman ay ang “boy talk” nila ng barkada niya. Siyempre, normal din na nagkukuwentuhan ang mga boys about their escapades at ilang small trips, di ba? Tao si Daniel – hindi makina iyan.
May fun moments din iyan with some of his friends like most of us. Hindi ba’t may mga pagkakataon tayong magbabarkada na nagpapataasan ng ihi – pinagkukuwentuhan ang mga wala sa paligid natin, sometimes poking fun at them?
Giliw-giliw eclat lang kumbaga. Tulad nina Daniel, they talked about their girls, yung mga pinopormahan nila – yung iba nga to the point na pinag-uusapan ang mga sexcapades nila, “boy talk” nga.
Pero ano ang nangyari – galing na naman sa mga barkada niya lumabas ang kuwento of him saying this and that and all.
Ganoon kasalbahe ang ibang barkada ni Daniel kaya heto, nasuong na naman siya sa iskandalo.
Kaya advice natin kay Daniel – choose your friends. Huwag makipagbarkada kung kani-kanino. Kasi nga, ilang beses ka nang nabiktima ng mga akala mo’y true friends mo pero hindi naman pala.
You can still enjoy the “boy talk” with some close associates, basta piliin mo lang siguro ang pagkakatiwalaan mo. Hayaan mo ang mga bashers na iyan – baka kasi mga santo sila.
Baka kasi masyado silang malinis na hindi dumadaan sa mga fun moments.Just enjoy your life, basta konting ingat lang. Ang mahalaga ay kilala namin ang pagkatao mo – how beautiful you are as a person, napakabuting anak at napakabait na bata.
Yung kapilyuhan oks lang iyan. Huwag mo silang pansinin. Inggit lang ang mga iyan.