Siguradong Makapag-aabroad

Sulat mula kay Rolan ng Luyuan, Pasonanca, Zamboanga City
Dear Sir Greenfield,
Kamakailan lang po ay tinawagan na ako ng agency na inaaplayan ko patungong abroad at hinihingan na po nila ako ng pang-processing fee at iba pang gastusin para sa pag-aayos ng iba pang mga papeles. Maliit na halaga lang naman po ang hinihingi nila, ang poblema wala naman akong ganoong kalaking pera sa kasalukuyan. Ang nais ko sanang itanong sa inyo ay kung sakali kayang mangutang ako tiyak kayang makakaalis ako upag sa ganon ay hindi naman ako mabaon sa utang kung sakaling mapurnada ang aking pag-aabroad. May Travel Line po ba talaga sa aking palad at may pag-asa kayang magkaroon ako ng isang masagana at maunlad na karanasan sa ibang bansa? At kung sakaling maibigay ko na ang perang hinihingi nila, sa taong kayang ito ng 2014 ay makakalis na din kaya ako?
Umaasa,
Rolan ng Zamboanga City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Korek o tama ka Rolan may malinaw ngang  Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ito ay tanda na maibigay mo man o hindi ang hinihinging salapi sa iyo ng agency na pinag-aaplayan mo, sa anomang paraan, sa taon ding ito ng 2014 hindi mahahadlangan ang napipinto o nalalapit mong pag-aabroad.
Cartomancy:
Ang pag-aanalisang makapag-aabroad ka sa taon ding ito ng 2014 ay madali namang tiniyak ng barahang Ace of Diamonds, Four of Clubs at Five of Diamonds. Ito ay tanda ng isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansa na magaganap sa kasalukuyan mong edad na 25, pataas.
Itutuloy…..

Read more...