Aljur ayaw patulan ang pang-aasar ni Binoe

Ayaw nang palakihin pa ni Aljur Abrenica ang diumano’y pagtawag sa kanya ng bangaw o bubuyog ni Robin Padilla.

Ito’y may kinalaman pa rin sa relasyon ng aktor sa anak ni Binoe na si Kylie Padilla.

May balita kasi na hindi naman daw pala totoo na nag-break sina Kylie at Aljur at ang gusto raw mangyari ni Robin ay bantayan daw ng mga executives ng GMA 7 si Kylie at hangga’t maaari ay “bugawin” daw ang bangaw na laging dumadapo sa kanyang anak.

Hindi man diretsahang sinabi ni Binoe na si Aljur ang tinutukoy niya ay marami ang nag-isip na si Aljur nga ito.

Pero nang tanungin nga ang aktor tungkol dito, no comment lang ang tanging naisagot niya.

Sinabi ni Aljur na natutuwa pa nga siya dahil napapansin siya ng isang tulad ni Robin Padilla na nirerespeto sa industriya ng showbiz.

Anyway, busy ngayon si Aljur sa promo ng bago niyang movie under GMA Films, ang “My Kontrabida Girl” opposite Rhian Ramos kung saan makakasama rin sina Jake Vargas, Bea Binene, Bela Padilla at marami pang iba.

Showing na ito sa March 14 nationwide sa direksiyon ni Jade Castro.

By: Ervin Santiago

Read more...