Dingdong inamuy-amoy ang maputing kilikili ni Marian

Hindi na  nahiya, kahit sa harap ng maraming tao

Talagang ayaw tantanan ng mga intriga itong si Marian Rivera.

May nasulat na namang bago raw niyang kamalditahan noong kasagsagan ng flower festival sa Baguio.

Special guests sina Marianita at ang boyfriend niyang si Dingdong Dantes.

Kasama silang dalawa sa parade at nakasakay sila sa karosa.

May ilang tagahanga yata si Marianita na kaway nang kaway at sigaw nang sigaw habang nasa parade siya pero tila bingi raw ang beauty ng dyowa ni Dingdong.

Tipo bang halos magkandapaos na sa kasisigaw ang fans ni Marian pero hindi man lang daw ito nag-acknowledge.

Sa mga parada na dinadaluhan ng isang artista ay talagang hindi mo mapagbibigyan ang mga tagahanga.

May masasabi at masasabi talaga sa iyo ang fans lalo pa’t hindi mo man lang silna kinawayan o tinapunan ng tingin.

Baka naman may kausap si Marianita ng mga sandaling iyon o baka naman nasisilaw siya sa init ng araw kaya hindi niya masyadong napansin ang kanyang mga tagahanga.

Actually, ang mas nakakaloka ay ang nakita naming pictures nina Marian at Dingdong na kuha sa parade.

Meron kasing dalawang shots doon na parang inaamoy ni Dingdong ang kilikili ni Marian.
Hindi naman masagwang tingnan ang photo kaya lang ay parang nakaka-off pa rin kasi nga naman nasa isang pampublikong lugar sila.

Read more...