Zsa Zsa: Lagi n’yo na lang akong binabastos!

GRABE ang mga batikos na inabot ni Zsa Zsa Padilla sa kanyang Twitter account the other day.

May follower kasi si Zsa Zsa na parang ang gusto ay mawala na siya sa ASAP 2012 ng ABS-CBN.

“RT @krizzylhen15 RT@paoskie666: At bakit asa @ASAPOFFICIAL pa si @zsazsapadilla?

Kala ko ba nag file na sya ng SSS benefit package?#BOTOXQueen @paoskie666 oo nga tsugi n cya, d n cya need sa ASAP,” ang tweet ng  isang mataray at matapang na basher ni Zsa Zsa.

Hindi na siguro nakatiis si Zsa Zsa at talagang sinagot na niya ito sa kanyang Twitter account, “Masaya ba kayong mawalan ako ng job bilang bread winner ng family ko now?

Sana magisip naman kayo sa mga tweet ninyo. Nagtratrabaho Lang po. Every week nyo na Lang ako binabastos :(,” tweet ng magaling na singer.

Dagdag pa nito, “I have been with Asap 17 yrs of the 29 yrs that I have been in Showbiz.

I know asap will be around even when I am long gone.

But humility aside, I know that I have contributed a lot to what Asap is today.

Asap will always hold a special place in my heart. This much is true.”

“Guys, I’m not mad. I’m sad. Twitter is a nice place but trolls take the fun out of this place.”

Mukhang walang magawa ang basher na ito ni Zsa Zsa.

Parang wala siyang puso. Hindi ba niya alam na kailangan ng singer ngayon ng trabaho dahil ang partner nito na si Dolphy ay may sakit.

Napakawalang kunsensiya naman ng basher na ito ni Zsa Zsa.

Obviously, hindi ito nag-iisip ng mabuti para sa kanyang kapwa.

Read more...