Sa kanyang Instagram account, nag-post si Paolo ng kanyang larawan habang naka-confine sa ospital. Nilagyan niya ito ng caption na: “[S]taying in tonight. Marikina Valley Medical Center. hyper tension daw. transient schemic attack. mild stroke pero hindi naman nagprogress. salamat naman. doing some lab tests tomorrow. 200 ang bp antandaaa ko na!! hehe. feeling better now. thanks @doryisbabe @eatbulagaselfie @joelrelleve @yayin_1203 @chiquitita03 @zhukini #dietpagow #bangkokpillspahihistopmuna #vicemayorcadiz.”
Hindi naman daw fatal ang nasabing kundisyon, pero kailangan daw ni Paolo na bantayan ang kanyang health condition para maiwasang maulit ang nangyari sa kanya. Wala rin daw itong direkta o permanenteng epekto ng brain damage.