John Lloyd lalayas sa ABS, lilipat sa GMA?

JOHN LLOYD CRUZ AT ANGELICA PANGANIBAN

JOHN LLOYD CRUZ AT ANGELICA PANGANIBAN

Si John Lloyd Cruz ang suspetsa ng isang Facebook fan page operator na na-blind item na lilipat na sa Siyete.

Ang katwiran ng operator, si John Lloyd lang ang hindi nag-contract signing recently sa Dos. Sina Piolo Pascual, Bea Alonzo, Kim Chiu, Xian Lim, Maja Salvador, Gerald Anderson at Angelica Panganiban ay pawang pumirma na ng kontrata sa ABS-CBN.

Si Papa Lloydie na lang daw ang hindi pa.

But we feel na hindi si John Lloyd ang lilipat sa Siyete kundi si Diether Ocampo. Matagal nang napapabalita ang kanyang paglipat, naharang lang yata.

Bakit naman pakakawalan ng Dos si Papa Lloydie, eh, siya ang isa sa biggest moneymakers ng network, ‘no!

Ang alam namin, ang dami pang naka-line up na gagawin ni Papa Lloydie sa Dos. Meron siyang movie at merong soap opera aside from his existing sitcom with Toni Gonzaga na hindi yata nagre-rate.

Read more...