‘Hindi kawalan si Erich kay Enchong, ‘NO’

Tigilan na raw ang paninira at pang-ookray

I GET slightly offended pag may tumitira kay Enchong Dee.  Kasi nga, I love this boy so much. Napakabait, walang masamang tinapay sa kanya.

Napakalambing din na bata at marunong mag-appreciate ng kahit little things na nagagawa mo for him.

Hindi man niya nabi-verbalize ang pasasalamat sa iyo but he will make you feel important to him. Kaya love namin siya in many ways.

Napakarami nang issues ang naibato sa bagets na ito ever since pero deadma lang si Enchong.

Wala siyang pakialam, parang walang naririnig.

Basta work lang siya ng work. Hindi mo rin siya maringgang may sinisiraang ibang artista, basta he goes his way at wala siyang keber kung ano ang gawin mo sa buhay mo.

Anyway, nitong mga huling araw ay marami akong nababasang patama sa kanya ng kampo ni Erich Gonzales, ang kanyang ka-loveteam.

May mga nagsusulat na inamin daw sa kanila ni Erich na never naman daw talaga sila naging super close ni Enchong. Kumbaga theirs was just plain professionalism dahil magka-loveteam nga sila.

Pero they’re not the type daw na palaging nag-uusap, nagsi-share ng problems and play around during their breaks. Wala raw ganoon.

Ang reaksiyon naman namin dito – “so what?”

Kasi nga, hindi naman pinagpipilitan ni Enchong ang sarili niya sa babaeng ito, di ba?

Hindi rin naman sinasabi ni Enchong na magsyota sila, hindi rin naman sinabi ni Enchong that they are best of friends. So what’s the big fuss?

Kasi nga raw, gusto na raw ni Erich na kumawala sa anino ni Enchong at gusto na niyang magsolo.

So what again? Then, go on with your plan. But why hit Enchong pa?

Bakit hindi ka na lang umalagwa on your own and plan what you think is best for you and your career.

If it goes well without Enchong, so well and good but if it f_cks up without him, who cares about it too?

Basta kami, we’re just here for Enchong. Mahal namin ang batang iyan.

At nakita namin how he truly worked hard for his career. Hindi siya kailanman naging sutil, hindi kailan man nagmaldito,  hindi kailan man naging sakit ng ulo.

Lahat ng magaganda lang naman ang naisusulat about Enchong, about his relationship with his colleagues  at wala kang maririnig na masamang salita on anyone about him, ngayon lang siya napipitik , at mula pa sa kampo ng naging partner niya for many years na si Erich Gonzales, kaya kami nalulungkot.

Teka lang naman, nakalimutan yata ng kampo ni Erich na napakalaking bahagi ng karera niya ay ang loveteam nila ni Enchong.

Dapat tanawin din nilang malaking utang na loob ito on Erich’s part dahil natanggap ng masa ang kanilang tambalan.

Huwag naman nilang basta tablahin na lang bigla si Enchong. Kaloka sila!

Hindi naman sila inaano ng binata, di ba? No one’s stopping Erich to go her way if that’s what she truly wants now.

Who cares? Ikamamatay ba ni Enchong kung walang Erich sa buhay niya?

Mahusay na aktor si Enchong at sigurado kaming mabubuhay din ang kanyang career without Erich. Kaya magsitigil na nga kayo. Hmp!

Read more...