‘Anak’ ni Bossing umaming type na type si Bamboo


Diretsong inamin ng dating child star na si Isabelle de Leon na isa sa mga bida ng seryeng Trenderas na super crush niya si Bamboo. Nu’ng una ay nahihiya pa siyang sabihin sa press kung sino ang type niya sa showbiz pero napilit din siya.

“Baka sabihin ang landi ko, pero si Bamboo po. Pero ina-admire ko lang po kasi, ‘di ba, songwriter rin, ang galing na performer? Napakabait niya, ‘di ba? Actually, masaya po ako, kasi Polyeast (recording company) din po siya.

Pero ano lang po yun, admiration lang po,” sey ni Isabelle. Pero sey ng dalaga na unang nakilala sa sitcom noon ni Vic Sotto na Dadedidodu sa GMA kung saan gumanap siya bilang isa sa mga anak ni Bosing, hindi pa siya nagkaroon ng boyfriend ever, “Hinihintay ko rin po ang God’s best at yung career nga po ang tututukan ko.

Yung mga opportunity naman po, hindi naman palaging nandiyan. “Kailangan ko rin pong ibigay ang best ko sa mga opportunity na ipinapahiram sa akin,” aniya pa.

Read more...