Megan Young napilitang umuwi ng Pinas para magpa-opera


Sanay na si Lauren Young sa laging pagkukumpara sa kanila ng kanyang ate na si Megan Young. Hindi naman daw siya nao-offend dito dahil ganu’n naman daw talaga ang kalakaran sa showbiz.

Kaya ang ginagawa na lang niya, mas lalo pa niyang pinagbubutihan ang kanyang trabaho para kahit paano’y makagawa rin siya ng sariling pangalan.

Aniya kung namamayagpag ngayon si Megan bilang kauna-unahang Pinay na nanalong Miss World, feeling niya sa pag-arte naman siya makikilala.

“It’s my thing talaga. But well, you know, she’s also a very good actress. Kontrabida ang mga roles na kadalasang pino-portray niya. At ako na nga ang sumusunod sa yapak ng ate ko, ‘di ba? Nagiging kontrabida na rin ako.

But ‘yon, she’s a very good actress,” chika ni Lauren sa presscon ng bagong teleserye ng GMA, ang Hiram Na Alaala. Miss na miss na raw ni Lauren ang ate niya, “Kapag umuuwi siya, saglit lang siya.

And then sa Manila lang tapos alis na naman siya. She travels all around the world. From Europe, to the States, to Asia, so I think she’ll really appreciate it if we all went home to Subic.

Ang tagal na naming hindi nakakauwi do’n. So you know, just a relaxing time in our house with the family. “And parang catch up lang. A recap of what happened to all of us. I’m very proud of my sister and all of her achievements.

And I just wish her more success. I wish her the best,” sey pa ng Kapuso actress.Walang-wala pa ring plano si Lauren na sumali sa beauty contest tulad ng ate niya, “It’s like, may interes na siya talaga, e.

Ako zero interest with beauty pageants. Sa acting talaga ang passion ko. Ito ang hilig at interes ko. Gusto kong manalo ng acting award someday.

Kung si Megan, pinangarap maging beauty queen, ako naman I just want to be the most versatile actress.”  Ibinalita rin niya na umuwi kamakailan ng Pilipinas si Megan three weeks ago para magpaopera, “She had her appendix taken out.

But she’s fine now. It happens. Sometimes, your appendix has to be taken out. Gano’n yung nangyari sa kanya.“But you know, she’s perfectly fine now. The operation went well.

It wasn’t critical naman. And she recovered very fast. There’s nothing to worry about. Now she’s back to work,” sey pa ng aktres.

Read more...