Marian nagsawa na, ayaw nang gumawa ng teleserye sa GMA
Marian Rivera’s self-titled dance show has been extended. Tama ang nasulat namin at tama rin ang nabasa naming magkakaroon ng pagbabago sa dance show ni Marian.
Meron kasing dance battle of celebrities na isasaksak sa show bilang additional segment. Nakakatawa ang segment na ito. Paglalaban-labanin ang mga celebrities every weekend.
Eh, bakit tila bigla nilang binago ang concept ng show? At bakit nila ginawang contestants ang mga celebrities? Wala na ba silang maisip na magandang concept.
Anyway, in her recent interview to beef up interest in her show ay sinabi ng dyowa ni Dingdong Dantes na she was offered by GMA to do a teleserye but she declined.
Aba, meron na palang right ang hitad na mag-decline, ha? Siguro ay hindi maganda ang konsepto ng teleserye kaya naman tinanggihan ito ni Marian. Perhaps ayaw rin niyang mapagod nang husto dahil magdamagan ang taping ng soap.
Kailangang beauty siya dahil malapit na siyang ikasal, ‘no! Anyway, merong mga nag-react sa pagtanggi ni Marian na gawin ang ino-offer na soap ng GMA.
Ang feeling nila ay natakot na gumawa muli ng teleserye si Marian dahil hindi nag-rate ang recent soaps niya. Takot siyang mag-live up to her Flopsina Queen title.
“Nag-e explain si floppey eh wala namang nakakaalam na may offer sa kanya ang GMA, so kanino sya nage explain sa sarili nya? bwahahahahah…tama na yang ilusyon mo marianing-aning, walang offer sa yo ang GMA okay? wag mag hallucinate hindi maganda yan psychology ka pa naman, nyahahahahah!!!!” pang-aasar na comment ng isang guy.
Ang feeling naman ng isang fan ay “Wala namang ibang artista na maaasahan ang GMA na kahit pano ay may fan base si marian lang naman pero di pa rin ganun kasikat.
Sobrang build up lang ng GMA kahit waley sa movies at di kagandahan ang ratings ng mga recent shows.” Actually, sikat naman si Marian, ‘yun nga lang, tila walang pambayad ng sine ang mga fans niya kaya ang movies niya ay pawang flopey.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.