Ipinagkatiwala na ni Kris Aquino kay James Yap ang anak nilang si Bimby. Pumayag ang PBA player sa request ni Kris na kung pwede ay siya muna ang magbantay sa kanilang anak kapag nagkasabay ang shooting ng ginagawa nilang pelikula para sa MMFF 2014, ang “Feng Shui 2” ni Kris at “Praybeyt Benjamin 2″ nina Bimby at Vice Ganda.
Kuwento ni James, siya ang pinagkatiwalaan ng dating asawa na magbantay paminsan-minsan kay Bimby sa shooting nito. Sinabi na noon ni Kris na may mga araw na hindi niya masasamahan si Bimby kapag nagsabay ang shooting ng kanilang mga pelikula.
Siyempre, excited si James na makasama ang anak sa mga ganitong pagkakataon, gusto rin daw niyang mapanood ang mga eksena ni Bimby sa nasabing movie.
“Ako, anytime, masaya ‘yan saka excited ako. Willing na willing ako talaga. Tatanungin ko siya (Kris) kung kailan shoot ni Bimby. First time ko na magbabantay sa ganito,” sey ni James.
Samantala, mas lalo raw nagiging close ang kanyang anak sa girlfriend niyang Italian na si Michela Cazzola, “Okay naman kami, pag kasama ko ang anak ko, tapos kaming dalawa, nag-e-enjoy talaga… bonding.
Pinagpe-pray ko lagi na maging okay ang lahat, sana tuluy-tuloy na.”