NANGAKO si Xian Lim na ibabandera rin niya sa buong mundo kapag meron na siyang girlfriend, tulad ng ginawa ng kaibigan niyang si Enchong Dee. Hindi raw niya ito itatago sa publiko.
Sa isang showbiz event, natanong ang Kapamilya actor kung ano na ang update sa relasyon nila ni Kim Chiu pagkatapos nga ng makasaysayang “proposal” niya para maka-date ang aktres sa Star Magic Ball.
Touched naman si Kim sa effort ni Xian. At dahil nga rito, marami ang naniniwala na magdyowa na raw ang dalawa. Pero idinenay agad ito ng binata, aniya, “Everything naman dapat special.”
Siya na kaya ang susunod kay Enchong na magpapakilala ng kanyang girlfriend sa madlang pipol, “Well, right now we’re just gonna focus on the movie. In perfect time, if ever, ipapaalam ko po agad sa inyo. I want it to be special.”
Hirit pa nito, “Alam naman ni Kim na may gusto ako sa kanya. Alam naman ni Kim na crush na crush ko siya. I’m just here, I’m happy that she’s happy.”
Samantala, tuloy-tuloy na ang shooting nina Xian at Kim para sa third movie nila under Star Cinema, “Sa lahat ng naghihintay, finally, we’re showing in a couple of months.
Hopefully, in two months mapalabas na siya. Well, for this one, for sure ginagawa po namin ang lahat ng the best we can.”