Jake sa pagrampa nang nakahubo: Huli na ‘to, kaya itodo na natin...pasabog!!! | Bandera

Jake sa pagrampa nang nakahubo: Huli na ‘to, kaya itodo na natin…pasabog!!!

Ervin Santiago - September 13, 2014 - 03:00 AM


“ITO na ang huling pagrampa ko sa Bench underwear fashion show!”  Yan ang paniniguro ni Jake Cuenca kahapon sa ibinigay na pocket presscon ng Star Magic para sa Kapamilya hunk actor.

Sey ni Jake, feeling niya, this is the perfect time para mag-retire na siya sa pagpapa-sexy sa mga fashion show kaya talagang pinaghahandaan niya ang nalalapit na The Naked Truth sexy fashion show.

“I think this will be the last time na rarampa ako (ng nakahubad), kaya kailangan mas higitan ko ‘yung mga nagawa ko the previous shows. I will make sure na mae-entertain uli ang audience at sisiguruhin kong I will put a show – with a bang!” paniniguro ni Jake.

Kaya sa lahat ng girl, pati na ang mga beki at matrona na naglalaway kay Jake, kailangang hindi n’yo palagpasin ang huli niyang pagrampa nang halos hubo’t hubad na!

Samantala, tuloy na tuloy na ang pag-alis ni Jake patungong New York para mag-aral ng method acting. Gusto kasi ng aktor na may maipakita namang iba sa mga manonood sa mga susunod niyang proyekto.

Isang buwang mawawala ang aktor para mag-aral sa sikat na sikat na acting school sa Amerika, ang Lee Strasberg Theatre and Film Institute.

“Ito talaga ang pangarap ko, nag-submit ako ng requirements sa kanila, hanggang sa interbyuhin nila ako through Skype and thank God, nakapasa naman po. Sobrang excited na ako sa bagong phase na ito ng career ko,” chika pa ni Jake.

Aniya, halos lahat ng idolo niyang Hollywood stars ay produkto ng nasabing acting school tulad nina Marlon Brando, James Dean, Al Pacino, Robert De Niro at Sean Penn.

“Actually, hindi naman ako nag-expect na matatanggap ako, but this is it! I’m so lucky to be part of that school na punung-puno ng history,” pahayag pa ng Kapamilya leading man.

Napakalakas ng impact na karakter ni Jake sa book one ng seryeng Ikaw Lamang sa Primetime Bida ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Coco Martin.

Sa katunayan, puring-puri siya ni Boyet de Leon na siyang pumalit sa kanyang karakter sa book 2. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin nakakalimutan ng mga manonood ang iniwan niyang marka sa nasabing programa.

In fairness, kuhang-kuha ni Boyet ang acting ni Jake sa Ikaw Lamang, ha bilang ang mainitin ang ulo at kontrabidang si Franco!  Tungkol naman sa kanyang lovelife, kitang-kita sa itsura ni Jake na super happy ang kanyang personal life,
inamin niyang napag-uusapan na rin nila ng kanyang Filipino-Australian girlfriend na si Chanel Olive Thomas ang kasal.

“You know, I’m not getting any younger. I have an amazing girlfriend, and I love her very much, but let’s see. Napag-uusapan naman (ang kasal) but let it just happen by itself.

Pero sa ngayon, ito muna, yung acting school muna,” sey ng binata. Ani Jake, mas okay talaga kapag non-showbiz ang girlfriend niya dahil walang masyadong intriga, “Mostly my relationships were showbiz di ba?

So, parang lahat, nama-magnify and you now everything was in front of the camera which honestly was the reason kung bakit hindi gumana ang lahat ng relationships ko noon.”

Sa isang interview naman, sinabi ng aktor na tanggap na tanggap ng kanyang dyowa ang kanyang trabaho, “With Chanel, she really doesn’t care that I’m an actor, in fact nong nakilala niya ako she didn’t know that I’m an actor, she didn’t know I was famous or whatever so I like the fact that the relationship is real, I like the fact na people are not prying in our relationship and I like the fact that when we go out, we don’t have to put out an image or try to act something we are not.”

Bago umalis si Jake patungong US ay nakagawa na siya ng isang episode para sa Maalaala Mo Kaya, bukod dito ay nakatakda rin silang magsama ni Gerald Anderson sa isang action movie, “It’s an action movie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

It’s called Bruho it’s the first time in a long time that you will see me and Gerald together in a movie and the project, it’s pretty good, okay naman siya, it’s a gangster movie.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending