Nikki nagsalita na sa pagwawala at pagkakulong ng ex-BF na si Billy Crawford


Nagsalita na si Nikki Gil sa kinasangkutang iskandalo ng ex-boyfriend niyang si Billy Crawford.  Sa interview ng ABS-CBN News, sinabi ng singer-actress, “I was asked about it, which I don’t understand because I’m not involved in any way.

But I wasn’t raised to celebrate the misfortune of others. I guess that’s all I have to say about the issue.” Kinunan din ng reaksiyon si Nikki ng mga katoto sa mga naging komento ng ilang kababayan natin na  bakit noong sila pa ang magkarelasyon ay never naman itong nasangkot sa mga kontrobersiya o iskandalong tulad ng nangyari sa isang presinto.

“I don’t want to comment on that. I also want to respect the people that we are currently… You know, there are other parties involved din, eh. Respetuhin na lang natin ‘yon. I really don’t want to comment on that,” ang naging tugon ng dalaga.

Apat na buwan na ang nakalilipas mula nang maghiwalay ang dalawa sa hindi pa rin malamang dahilan, at balitang nakikipag-date na uli siya ngaon sa isang businessman na nag-ngangalang BJ Albert, habang si Billy naman ay meron nang Coleen Garcia.

Pagsasalarawan naman ni Nikki Gil sa kanyang bagong lovelife, “It’s wonderful, fabulous. It’s a very healthy friendship and I’m enjoying, because it’s a source of inspiration.”

Read more...