Kambal na anak ni Chiz handa nang maging mommy si Heart


Botong-boto ang mga anak ni Sen. Chiz Escudero kay Heart Evangelista bilang kanilang madrasta. Sa Aquino & Abunda Tonight noong Huwebes, handa na silang magkaroon ng dalawang mommy.

“You’d be surprised at how mature they (tinanggap ang balitang magpapakasal na siya uli) are,” ani Chiz na nakatakda ngang ikasal kay Heart sa Feb. 15, 2015 sa Balesin Island Club sa Quezon.

Ibinalita rin ng senador na binigyan na sila finally ng magulang ni Heart ng blessing sa kanilang pagpapakasal, “They gave their blessing to her and to our union. Papunta doon, not yet here,” anito.

Sa tanong kung pupunta ba ang parents ng aktres sa wedding nila, “That would be ideal. That’s Heart’s dream, actually. Hopefully, hopefully.”

Read more...