Katabaan: May magagawa ka ba? (First part)
NGAYONG buwan ng Setyembre idinaraos ang “OBESITY AWARENESS MONTH”.
Ang obesity o katabaan ay nakikita ng karamihan na pisikal na anyo lamang.
Hindi ito nabibigyang pansin na may dulot itong karamdaman.
Halimbawa na lamang ng mga sakit na diabetes, alta presyon, arthritis at sleep apnea ay bunga ng pagiging obese ng isang tao, at kailangan na ng agresibong pagbabawas ng timbang.
Ang awareness o kaalaman ang siyang unang bahagi ng Pagbabawas ng timbang. Kasabay nito ang magkaroon ng kaalaman na may mataas sa kaisipan ng tao at ito ay ang kaisapan ng Diyos.
Kapag hindi tugma ang isipan ng tao sa “higher mind” ng Maykapal, nagkakaroon ng “conflict or confusion” na maaaring magdulot ng stress na siya namang sanhi ng maraming problema sa pagkatao; sakit sa katawan, gulo ng kaisipan kasalanan na siyang karamdaman ng kaluluwa.
Totoo na ang kasalanan ay sakit ng kaluluwa at ito’y nagdudulot din ng matinding kabigatan o stress sa pisikal na katawan at pisikal na kaluluwa (kaisipan at emosyon). Ito’y nangyayari lalo na sa isang taong hindi mulat sa ganitong katotohanan.
Ano at sino naman ang pinanggagalingan ng sakit sa kaluluwa? Simple lang, ang ating pansariling malikot na kaisipan din mismo ang gumagawa ng sakit na ito.
Ano naman ang gamot sa sakit (kasalanan) na ito? Simple din lang, ang pababago (Conversion).
May koneksyon ang katabaan sa mga “capital sins”(o mga punong kasalanan) gaya ng pride (pagmamalaki); avarice(kagahaman); lust (kamunduhan); anger (galit); gluttony”(katakawan); envy”(inggit); at “sloth”(katamaran).
Ang ugat ng lahat ng ito ay ang ang pagigigng makasarili.
Ang Pagbabago ang siyang una at pinakamahalagang gagawin patungo sa matagumpay na pagbabawas ng timbang. Malalim na konsepto at pamamaraan ito ngunit ito ang higit na kailangan para ang anumang ibang paraan ay maging epektibo.
Pero ano nga ba ang mga praktikal na estratehiya para makabawas ng timbang?
Iyan ang isa-isa nating tatatalakayin sa susunod na paglabas ng ating kolum sa Martes.
Bilang patikim, eto ang isang effective na strategy para makabawas ng timbang: Ugaliin na makinig sa hudyat ng iyong pagkagutom.
Ibig sabihin may timing talaga ang pagkain. May artificial at true hunger na sinasabi. Di ba interesting? Kaya abangan nyo ang Dr. Heal sa Martes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.