BUMALIK na si Coleen Garcia sa Its’ Showtime noong Wednesday ng tanghali at malugod naman siyang tinanggap ng lahat. Sa kanyang pagbati ay sinabi niya na napakisuyuan siya ng BF na si Billy Crawford na ipaabot ang pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa kaniya.
“Nasa shooting po siya ng ‘Moron 5’, pero very soon ay babalik na siya dito,” pahayag pa ni Coleen.
Mukhang dedma lang ang dalaga sa mga bashers na tumatawag sa kanyang epal queen dahil siya ang salita nang salita in behalf of Billy. Pero tingin naman namin, she has the right to do it dahil boyfriend naman niya ng TV host, di ba?
Sa gitna nga ng mga intrigang ikinabit sa iskandalong kinasangkutan ni Billy noong Linggo ay full support at understanding na ibinibigay sa kanya ng mga katrabaho. Kaya naman daw pipilitin na lang nitong maging dedma sa mga intriga lalo na yung pagkakabit sa pangalan niya sa droga.
“Responsable siya at haharapin niya ang mga kasong isinampa sa kanya,” hirit pa ng mga kasamahan ni Billy sa naturang programa. “Nasa mga otoridad na po ang kaso at hinaharap naman yun ni Billy,” dagdag pa nila.