NAKAKATUWA naman itong nabasa ko sa isang tabloid regarding Robin Padilla’s accident meet-up with some production people of GMA 7 sa isang restaurant diyan sa Roces Avenue, Q.C. recently.
How sweet naman of Robin to go to them para pasalamatan sila for taking good care of his daughter Kylie.
Then nagbiro siya sa kanila na bugawin daw nila ang mga bangaw at bubuyog from Kylie.
Tapos may nagbiro rin kung ang tinutukoy ba niyang bangaw ay merong letter “A” sa pangalan (obviously referring to Papa Aljur Abrenica) at sinagot naman daw ni Robin jokingly na may isang ganoon.
I’d like to understand that joke Robin threw to them pero on hindsight, wala naman akong nakitang masamang ginawa si Papa Aljur kay Kylie kundi ang mahalin lang ang dalaga.
Ang naglaro lang sa isip ko, kung may dapat pagsabihan si Robin ay ang mismong anak niyang si Kylie ‘yun dahil na-in love din ito kay Papa Aljur, di ba?
And in fairness kay papa Aljur, hindi dahil sa takot siya kay Robin, mataas lang ang respeto niya sa ama ng kanyang girlfriend, alagang-alaga niya si Kylie.
Hindi niya ito kailanman binastos – kaya walang dapat ikabahala actually si Binoe kay Papa Aljur. His daughter is in good hands.
“Baka natakot si Robin sa anino niya. Kasi di ba, grabe si Robin noon sa mga babae.
Halos lahat ay inanakan lang niya. Natakot siya sigurong mangyari ito sa mga anak niya lalung-lalo na kay Kylie kaya pinakakaingatan niya.
Wala namang masama sa pakiusap ni Robin na bugawin ang mga bangaw at bubuyog sa paligid ng anak niya kasi minsan ay naging mala-king bangaw din siya,” ang matalinong reaksiyon ng isa nating kaibigan.
Ayokong mag-comment further dahil kaibigan ko si Robin while at the same time ay mahal na mahal ko si Papa Aljur as my anak-anakan.
Baka nga natakot lang si Robin na mangyari kay Kylie ang mga nangyari sa mga past girlfriends niya.
Simple lang iyan – mag-usap sila ni Kylie at pagbilinan niya nang maayos ang anak niya, na huwag sirain ang tiwala nito sa kanya.
Ganoon lang kasimple iyon. Pero I hope and pray na huwag pag-initan ni Robin si Papa Aljur dahil wala itong kamalasaduhang ginagawa sa dalaga niyang anak.
Normal lang naman ang umibig at normal lang that once in a while ay merong pinagdadaanan ang magkakasintahan, di ba?