Coco muntik nang mag-quit sa Showbiz

Pagkatapos masunog ang kanyang mukha sa taping

Muli na namang pinatunayan ni Coco Martin ang husay niya sa pag-arte sa nakaraang episode ng Maalaala Mo Kaya. Last year, nanalo si Coco sa Star Awards for TV sa Best Single Performance By An Actor sa paglabas niya bilang may kapasanan sa MMK.

This time, malaki ang chance na makadale ulit ng award si Coco sa performance niya last Saturday sa show ni Charo Santos Concio.

Muntik pa pala na hindi magawa ni Coco ang episode niya sa MMK kung tuluyan nang nag-quit sa showbiz ang actor.

Naisip pala ni Coco na talikuran na ang kanyang career pagkatapos ng aksidenteng tinamo niya sa taping ng teleserye nila na Tayong Dalawa.

“Sunog talaga ang mukha ko noon. Akala ko talaga mawawalan na ako ng career. Kasi alam mo naman sa showbiz, mukha ang puhunan,” pahayag ni Coco.

Read more...