Angel, Phil seryoso na ang relasyon


AFTER dinner nakatsikahan namin si Angel Locsin sa set ng Toda Max na busing-busy sa panonood ng game ng kanyang boyfriend na si Phil Younghusband with the Philippine Azkals laban sa sa Malaysian football team.

May lungkot at hinayang factor si Angel na hindi nakanood ng live ng laban ni Phil.

Pero wala naman siyang magawa dahil priority niya ang kanyang show.

Ibig sabihin lang nito, going strong pa rin ang relasyon nina Angel at Phil taliwas sa nabalita especially nu’ng kasagsagan ng promo ng movie nila ni John Lloyd Cruz.

Ayaw nga kasi noong magsalita ni Angel about  Phil kaya inisip ng iba na there’s something not nice going on sa kanila ni Phil.

In fact, inamin ni Angel na mas nakikilala pa nila ngayon ni Phil ang isa’t isa.

Si Angel din ang dahilan kung bakit nakakapagsalita na ng maraming Tagalog words ngayon si Phil.

“Kapag nag-uusap kami, Tagalog talaga. Hindi pwedeng ‘di siya matuto!” sabi ni Angel.

Thankful naman si Angel sa nominasyon na nakuha niya sa Star Awards for Movies as Best Actress for the movie “In The Name of Love.”

Hindi lang sure ni Angel kung makaka-attend siya sa awards night on March 14 sa Meralco Theater.

Read more...