Totoo ba, drug test ni Billy dinoktor? | Bandera

Totoo ba, drug test ni Billy dinoktor?

Jobert Sucaldito - September 10, 2014 - 03:00 AM


FINALLY, ay nakalabas na last Monday sa kaniyang detention cell ang actor-singer-TV host na si Billy Crawford na nagwala diumano last Sunday sa Taguig Police precinct.

Nakapagpiyansa ang aktor after mag-negative ang resulta ng drug test sa kaniya. Napanood sa TV si Billy kasama ang kaniyang manager na si Arnold Vegafria explaining to each and everyone regarding the controversial issue na nasuungan ng una.

Maghihintay na lang daw sila sa pagdinig sa apat na kasong isinampa against Billy na nag-ugat nga sa kanyang pagwawala at pagbabasag sa presinto.

“Nakakaloka si Billy. Lakas talaga ng tama. Parang hindi epekto ng alak ang pagwawala niya. Parang may iba siyang tinira. Usung-uso kasi sa mga celebrities ang droga, di ba? May shabu, may cocaine, may ecstasy at kung anu-ano pa.

Kung nalasing lang siya, hindi siya ganoon ka-warfreak dapat, the fact na nasa loob siya ng presinto, dapat behaved siya.
“Alam naman daw niyang nasa presinto siya – di ba’t nagpapakulong siya?

Hindi kapani-paniwala ang sinasabi niyang kaya siya tumuloy sa presinto at nagpapakulong dahil ayaw niyang makapanakit sa labas, either makapatay siya o mapatay. May tamang iba iyan, hindi alak.

“Nakakaloka naman ang mga nagda-drug test sa atin, sa PDEA ba iyon sa Camp Crame. Pag celebrities ang dina-drug test, palaging negative.

Bakit ganoon? Kahit naka-drugs ang mga nahuhuli nila it ends up negative pero kapag isang mahirap lang ang dinala sa kanila for drug test, kahit hindi nagdodroga ay positive. Are they (PDEA) really working honestly?

“Nababayaran ba ang mga iyan? Anong klaseng guardians sila of society kung nababayaran sila? Kalat na kalat na ang balitang Billy has been into drugs before, pero bakit negative? Kilala namin ang source nila sa Pasay City.

Gusto mo dalhin ko pa sila roon eh.”Sa pagkakaalam ko, kahit sampung taon ka nang hindi gumagamit ng droga ay hindi pa rin ito basta mawawala sa dugo mo o di kaya through the strands of your hair pag ini-examine.

Bakit nila binibigyan ng special consideration ang tulad ni Billy Crawford? That’s not fair! Pinalabas na negative para makapag-bail. Galing!” anang isang tumawag sa aming buwisit na buwisit sa pangyayari.

A close friend of mine naman who is very dear to Billy ay nag-PM (private message) naman sa Facebook ko and here’s what she had to say:   “Job, napagod lang sya.

“Marami syang problema, if you talk to him personally maaawa ka. Lets not judge, napakabuting tao nyan, mabuting anak. Maraming tinutulungan na nakalimutan na nya isipin ang sarili nya.

Naoverwhelm sya. Its hard pag ikaw lang ang sandigan ng buong pamilya mo. I was with him since nadetain sya and it broke my heart. His dad is also sick, mahal na mahal nya daddy nya. Everything just hit him all at once.

“Siguro kahit tyo lahat once in our lifetime pag nasobrahan ng alak eh nagkaka-episode din. He was drunk di na nya kayang umuwi, low batt ang phone.

Ang una nyang nakita was a police station, ugaling amerikano. dun naghanap ng tulong. diba ganun naman pag sa amerika? Walang sinapak walang sinaktan, nagpumiglas lang nasipa ang salamin. thats it. yun ang buong storya.

“Pumasok sa bar, binastos ng mga lalake pinagtawanan pa so nagpigil sya kaya nagpunta sa pulis. unfortunately artista sya, ginawa ng pulis nagtawag ng gma tapos pinosasan sya. ganun. pinalaki ang isang bagay na pagka liit liit lang.

Let it be a lesson sa LAHAT NG CELEBRITY, pag may problema kailangan ng saklolo, HUWAG SA PULIS PUMUNTA kase pagkakakitaan ka lang nila.”

Lalo akong naguluhan – napagkakitaan nga kaya ng mga pulis si Billy? “Puwedeng-puwede. Nakita mo ang interbyu sa mga pulis, parang kaniya-kaniya na sila ng hugas ng kamay.

Sinasabi nilang hindi naman daw ito nanakit, hindi naman sila tinulak and all. Nakabasag lang ng salamin. You know, it’s not just about breaking the glass lang naman ang issue dito eh, the fact that he was in front of them – they are the authorities, nasa bakuran nila siya pero matapang itong nagwala at nanipa pa ng salamin.

“That’s worse than anything. Mas malaking krimen iyon. At para sa amin, hindi excuse na magwala ka kung dumadaan ka sa depresyon, you need professional help.

At dapat paimbestigahan din iyan ng PDEA na iyan o di kaya buwagin kung hindi sila makapaglabas ng truthful results!” galit pang dugtong ng kausap natin.

Wait na lang natin ang resulta ng mga kasong naisampa laban sa kaniya. The boy is in trouble now kaya siya pinagpahinga muna ng It’s Showtime  para maayos muna ang sarili niya before he gets back to work.

We are praying na sana’y malagpasan ni Billy ito. And to those who are very close to Billy, pakiusap lang, hindi lang po kayo ang nagmamahal sa batang iyan.

Kaya lang, sa ganitong pagkakataon huwag namang parang ang ibang tao pa ang may kasalanan sa kaniyang pagkakulong.
Si Billy ang gumawa ng sarili niyang problema, di ba’t sinabi niyang pumunta siyang kusa sa presinto para magpakulong for no valid reason?

May mga madrama kasing nakikiusap na huwag siyang i-judge – na wala siyang kasalanan, na kesyo pinagkakitaan lang siya ng mga authorities at kung anu-ano pa. Hindi siya na-frame-up, hoy!

Siya ang may sala rito. Ang isang normal na tao ay hindi pupunta sa mga pulis para magpakulong. Baka nga may tama ng kung ano iyan. Manahimik nga kayo, huwag kayong OA sa kadedepensa sa kaniya.

Hayaan niyong ma-realize niya ang pagkakamali niya. At kahit mahal ko iyan, I don’t buy his statement na, “I didn’t do anything wrong”. So, para sa kanya, tama ang ginawa niya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung tama iyon, tara at magpunta rin tayong lahat sa istasyon ng pulis at magbasag.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending