Aljur nagsisisi na raw, gusto nang iurong ang kaso laban sa Siyete


How true na nagsisisi na raw si Aljur Abrenica for lack of exposure sa GMA 7? Merong kumakalat na balitang pinagsisisihan na ng hunk actor ang ginawa niyang pagsasampa ng reklamo laban sa management ng GMA 7 a few months ago.

Wala na kasi siyang show ngayon at tila nawawala na ang kinang ng kanyang bituin. Totoo kaya na plano na niyang iurong ang kaso sa Siyete?

But if you know Aljur, siguro naman ay kaya niyang panindigan ang kanyang ginawa. Nakapag-ipon na rin naman ang binata, meron na siyang business at hindi naman siguro siya maghihirap kung sakaling matengga siya ng ilang taon.

At sa nabasa nga naming one-on-one interview ng BANDERA last week kay Aljur, sinabi niyang handa na siyang mawala ang lahat ng meron siya sa showbiz basta mawala lang siya sa Artist Center ng GMA.

May bagong edition na ng StarStruck at kapansin-pansin na wala na sa teaser si Aljur even though isa siya sa past winners. Well, ganoon talaga. That’s what showbiz life is all about.

Read more...