Sey mo Sarah…Matteo nilalandi, tinutukso si Direk Wenn Deramas


Nasa set kami ng isa pang pelikula ni Direk Wenn Deramas, ang “Moron 5 Part 2,” nu’ng makatsikahan namin si Billy Crawford. Nandoon din sa shooting ang iba pang bida sa movie na sina Luis Manzano, Marvin Agustin, DJ Durano at Matteo Guidicelli.

That was Friday night at nu’ng Linggo ng madaling araw naman nakulong si Billy sa presinto ng Taguig City. Wala naman kaming napansing kakaiba kay Billy sa shooting except parang pagod na ang mga mata niya.

May mga moment pa nga na humihiga siya sa tabi ni Direk Wenn habang naghihintay isalang. Understandable naman kung bakit mukhang pagod si Billy.

Umaga pa lang ay nasa It’s Showtime na siya then segue sa shooting na natapos ng 12 midnight. Tapos may Showtime ulit kinabukasan.

Si Luis naman early that day ay tsinika sa amin na nasa Lipa siya with his mom Gov. Vilma Santos sa isang event doon. Kasama raw niya ang girlfriend na si Angel Locsin na kay liit-liit ulit ng beywang.

Ready na si Angel na sumabak ng shooting for “Darna”. Hindi naman namin alam kung ikinukwento ba ni Matteo sa girlfriend niyang si Sarah Geronimo na nagpakita siya ng nipples sa “Moron 5 Part 2.” At ang ikakaselos pa siguro ni Sarah ay ang panunukso ni Matteo kay Direk Wenn to kiss his nipples.

Syempre, biruan lang lahat ng ‘yan, huh! Kaya walang dahilan para magselos.

Read more...