Daniel, Kathryn Social Media King & Queen, tinalo sina Xian at Kim


Muling pinatunayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na bukod sa pagiging Teen and Queen ng local showbiz sila rin ang hari’t reyna ng social media. ito’y matapos ngang magwagi ang dalawa bilang Couple of the Night People’s Choice sa naganap na 8th Star Magic Ball noong Sabado sa Shangri-La Makati.

Base sa isinagawang online poll ng ABS-CBN gamit ang mga litratong kuha sa mismong gabi ng event, nakakuha sina Daniel at Kathryn 29,224 “likes” sa informal poll ng ABS-CBN News sa Facebook.

Pumangalawa naman sa listahan ang loveteam nina Kim Chiu at Xian Lim na nakakuha ng 23,359 likes.Ikatlo naman sa list sina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo with 11,518 likes at sinundan ng tambalan nina Alex Gonzaga at Joseph Marco na nakakuha ng 9,485 likes habang nasa ikalimang pwesto naman ang dating PBB housemates na sina Vanessa at Daniel Matsunga with 8,970 likes.

Read more...