Enchong ipinagmalaki ang dyowang model sa Star Magic Ball


Sa wakas, ipinakilala na rin ni Enchong Dee ang kanyang girlfriend sa publiko. Isinama ng Kapamilya actor sa Star Magic Ball ang dyowa niyang model na si Samantha Lewis.

Proud na proud ang aktor habang ini-introduce ang dalaga sa mga kapwa Star Magic artists last Saturday night. “Sam is my girlfriend. Everything is perfect,” sey ni Enchong nang makorner ng reporters sa mismong event.

Sa tanong kung bakit bigla siyang nagdesisyon na ilantad na ang kanyang GF in public, sagot ni Enchong, “Nu’ng na-realize ko na wala namang nakikinig na I want it private and I want it private and I want to be quiet, sabi ko I don’t care anymore.”

“Hindi ko na kailangang humingi sa kanila (madlang pipol) ng time,” hirit pa ng binata

Read more...