Paolo Bediones nag-resign sa news program ng TV5


KUSANG nag-resign si Paolo Bediones sa news program ng TV5 na Aksyon Tonite. Ayon sa report, hindi totoong sinuspinde ang TV host sa nasabing programa kaugnay ng kumalat na sex video niya sa internet kasama ang isang starlet.

Ayon sa balita, nagbitiw si Paolo bilang news anchor ng nasabing news program bago pa mag-announce ang Kapatid network ng revamp sa kanilang public affairs program.

Ayon sa ulat, papalitan ni Martin Andanar si Paolo sa newscast ng TV5 bilang partner ni  Cheryn Cosim. Ilang araw nang hindi napapanood si Paolo sa news program ng Singko, at ayon sa naunang balita, naka-indefinite leave lang ang TV host, pero napilitan daw itong mag-resign dahil sa pressure ng mga manonood.

Tinanggap naman daw ng TV5 ang kanyang resignation.  Samantala, tuloy pa rin daw ang imbestigasyon ng NBI sa sex scandal case ni Paolo para matunton at maaresto ang taong nasa likod ng pagpapakalat ng kanyang sex video.

 

READ NEXT
Napa-Catapang
Read more...