Nakahanda ang mga tagahanga ni Sharon Cuneta sa panahong handang-handa na ang kanilang idolo sa pagbabalik-trabaho. Nauunawaan nila ang pinagdadaanan ngayon ng kanilang idolo, tao lang si Sharon Cuneta, hindi siya perpekto.
At kahanga-hanga ang Megastar sa kanyang katapangang umamin tungkol sa kanyang pagkakamali. Siya mismo ang nagsabing siya ang nagkulang, lumabis siya sa ilang aspeto ng kanyang buhay, bibihirang sikat na personalidad lang ang makagagawa ng ganu’n.
Sa isang panayam ay sinabi ni Oprah Winfrey, milyonaryong TV host na pinakasikat sa buong mundo, na nu’ng minsang manalamin ito ay mismong kunsensiya na ng TV host ang nagbulong sa kanya na magsakripisyo dahil bumibigat na nang todo ang kanyang timbang.
Puro carrot juice lang ang agahan, tanghalian, meryenda at hapunan ng sikat na TV host, isang prosesong inirerekomenda ng marami ngayon kay Sharon Cuneta, para maisakatuparan niya ang pangakong pagbabawas ng timbang.
Sabi ng isang kaibigan namin, “From Sharon’s recent depression, we learn a very big lesson. Happiness is not all money.”
May malaking positibong naibibigay ang salapi, nagiging kumportable tayo, pero hindi pa rin ‘yun ang kalahatan.