Cacai bawal nang lumapit kay Thai Superstar Mario Maurer


May chikang naglabas daw ng TRO ang mga taga-Thailand – yung management office daw ng super-crush naming si Mario Maurer na bawal lumapit sa kaniya at a certain distance si Cacai Bautista, isang Pinay na komedyana.

Nagalit daw kasi ang manager ni Mario nang minsang pumunta si Cacai roon at biglang tumakas sa shooting si Mario para makipag-date sa komedyana natin.

“Puwedeng tumakas nga sa shooting si Mario with Cacai but definitely not because he is in love with Cacai. Naging magkaibigan lang sila – si Cacai lang naman ang nag-ilusyon na may gusto sa kaniya si Mario.

Di ba’t nagsalita na dati si Mario na friend lang ang turing niya kay Cacai na mukhang na-misinterpret ni Cacai earlier.
“Pinalabas daw kasi ni Cacai na may gusto sa kaniya si Mario para inggitin ang mga fans na nababaliw sa Thai matinee star.

Tigilan na nga ni Cacai ang pagiging ilusyunada niya. Hindi porke foreigner ay hindi marunong tumingin kung sino ang type niya. Ha-hahaha!

“Pero iyon na nga, nabalitaan naming naglabas na ng TRO ang Thailand na bawal lumapit si Cacai kay Mario para siguro maprotektahan na rin ang sa mga negative issues involving Cacai,” anang source natin na parang ayaw kay Cacai Bautista para kay Mario.

Kung ayaw mo kay Cacai for him, ako na lang tutal atat din naman ako sa kaniya. Ha-hahaha! We have yet to check on the veracity of this news item. Aalamin natin kung totoo ang chikang ito o isang paninira lamang sa assuming comedienne nating si Cacai. Ha-hahaha!

Read more...