Gerald Anderson may sinulot kay Xian Lim? | Bandera

Gerald Anderson may sinulot kay Xian Lim?

- March 02, 2012 - 03:43 PM

Uy, totoo bang sinulot ni Gerald Anderson ang isa sa mga endorsements ni Xian Lim? May naririnig kasi kaming reklamo mula sa ilang fans ni Xian na inagaw daw ni Gerald ang ine-endorse nitong clothing line, ang Mint.

Ayon sa ilang Xian fans, nagtataka sila kung bakit biglang si Gerald na ang nakikita nilang nag-e-endorse ng Mint samantalang hindi pa nga raw nagtatagal si Xian bilang image model nito. Tanong pa nga ng isang mataray nating reader, “May kinalaman ba si Kim Chiu rito? Porke pumatok ang loveteam nina Xian at Kim, ito ang ganti ni Gerald? Ang agawin ang endorsement niya?”

Teka muna, ha! Sa pagkakaalam namin, si Gerald at additional sa mga celebrity endorsers ng Mint at hindi naman yata tsinugi si Xian bilang image model ng nasabing clothing line. Ayon mismo sa mga may-ari ng Mint, walang issue sa pagitan ng dalawang Kapamilya matinee idols.

Ang pagkakadagdag daw ni Gerald ay bilang bahagi ng 10th year in the fashion industry ng Mint. At posibleng magsama pa sila sa gaganaping Philippine Fashion Week ngayong taon.

Naniniwala ang may-ari ng nasabing kompanya na sina Stella and Jopet Sy na malaki ang magagawa ni Gerald para mas makilala pa sa buong Pilipinas at buong mundo ang nasabing brand. Si Gerald ang kakatawan sa kanilang Spring/Summer 2012 campaign. Ervin Santiago

(Para sa inyong reaksyon at komento mag-text lang sa BANDERA REACT sa 4467)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending